PAGTAAS NG PRESYO

Ang Pilipinas ay ang bansang aking kinagisnan kung saan ako pinanganak, lumaki at inaasahang kong dito rin ako mamatay, sa lupa ng aking bayan.

Kasabay kong lumaki ang unti-unting pagyabong ng bansang Pilipinas. Ngunit kasabay rin ng pag-unlad nito ay ang pagtaas ng presyo ng ating mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Tunay ngang sukdulan na at kapangipangilabot ang namamayag pag na krisis sa ating bansa.
Pisang-pisa na ang mahihirap sa paglalabas ng pinakalahat ng kanilang pag-aari para sa hangaring maibsan ang matinding gutom.

[Photo credit: google.com.ph]

[Photo credit: google.com.ph]


Ibang klase na talaga ang panahon ngayon. Hindi na nga talaga ito matatawaran, maging sa mga munting tindahan particular na ang dating sampung pisong sardinas ay umabot na sa kinse pesos, mga gulay at prutas na mainam kainin ng sangkatauhan ay naging presyong pangmayaman nalang. Naaalala ko nga noong bata pa ako, diyes sentimos may kendina ‘ko. Ngayon, ang kendi tatlo dos na- mga sisenta siyete sentimos.

Ilan lamang yan sa ating mga nararanasan sa kasalukuyan. Ngunit ano nga ba talaga ang sanhi ng pagtaas ng presyo?

Base sa nabasa kong artikulo ni Ginang Rina Jimenez-David, isang kolumnista sa Philippine Daily Inquirer, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay dahil narin sa pagtaas ng porsyento at pagdami ng krimen sa NCR. Maraming tao lalo na ang mga kabataan ang nadadawait sa mga ‘di kanais-nais na pangyayari. Tumataas ang presyo.Tumataas ang krimen. Bakit? Kung walang pambili, hahanap at hahanap ng paraan para magkaroon ng pera.Sabi nga nila, ‘pag mayroon talaga tayong mga pagtaas sa presyo ng gasolina, sa presyo ng isda, samakatuwid, tataas ang porsyento ng panghoholdap o snatching.

Pabigat nga talaga ang ganitong isyu. Minsan, may mga ilang katanungang bigla nalang sumasagi sa aking isipan. Hindi pa ba sapat ang buwis na ibinabayad ng ating mga magulang sa gobyerno? Saan nga ba talaga napupunta ang kaban ng bayan at bakit kailangan pang itaas ang presyo ng mga bilihin?

Ilang lang yan sa aking mga katanungan. Sadya yatang napakaraya ng ating gobyerno.
Isa pa, kinumpirma ng ilang maykaya, guro’t manggagawa na baka lubusan na tayong hawak sa leeg ng mga banyagang dati’y sa atin lang dumedepende. Kagaya na lamang ng bansang Thailand at Vietnam na tinaguriang “rice bowl of Asia”. Hindi ba’t nag-aral sila ng istratehiyang pang-agrikultura ditto sa Pilipinas?
Ngayon, parang nakakainsultong isiping nakapila ang milyung-milyong Pilipino sa mga ibinibentang NFA Rice sa mas murang halaga kaysa sa mga pamilihan.
Ang mga isyung ito ay sadyang may malaking epekto sa lahat lalo pa’t tayong mga Pilipino ay maraming suliraning kinakaharap ‘di lamang as personal kundi pat narin sa problemang sangkot sa utang pang-nasyunal.

Sa likod ng mga suliraning kinakaharap, mayroon pa kayang naghihintay na magandang bukas para kay Juan De La Cruz?

Advertisements

This is not a perfect article. Feedbacks are well-appreciated. Jot it down!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s